Martes, Oktubre 15, 2013

Si Rizal at ang kanyang mga libangan


Anong sa tingin mong ginagawa ni Rizal ‘pag bored sya?


            Tulad ng marami sa atin, si Rizal ay karaniwang tao lang rin na may simpleng pamamaraan ng pamumuhay. Ating balikan at alamin kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan sa kanyang pastime. :)



            
                
Una, isang manlalakbay si Rizal, anong nga bang madalas ginagawa ng mga turista sa pagdayo nila sa ibang bansa?  Sight-seeing? Food trip? Partying? O shopping galore? Para sa ating si Pepe, di mabubuo at magiging makabuluhan ang kada byahe kung hindi niya mabibisita ang mga libraries at museums. Kung buhay lang siguro si Rizal ngayon, malamang ang mga tweets niya ay tungkol sa mga nakita niyang items sa museum o di kaya naman ay may mga selfie photos siya sa kanyang instagram ng mga silid-aklatan na kanyang dinarayo.

            
Ang pagkahilig ni Rizal sa libro ang siyang bumubuhay sa kanya sa panahon ng kalungkutan at pagkainip. Isa siya sa mga tambay ng bookstores sa panahon natin. Nag-aabang ng sale upang makatyempo ng magagandang nobela sa mas murang halaga. Favorite siguro ni Rizal ang Powerbooks at Book Sale kada madadaan siya sa mga malls.



            
Kung may iPad na sigurong nahawakan si Rizal, bukod sa paglalaro ng games tulad ng Candy Crush at Subway Surf, tiyak kong madami siyang e-Books sa linya ng medisina, pilosopiya, kasaysayan at marami pang iba. 



Pero ano nga ba talaga ang pinagkaabalahan ng ating magiting na bayani?



 Si Pepe ay nahilig sa iba't ibang isports, kaya naman talagang natuto at humusay siya sa mga ito. 



  • Siya ay mahusay mag fencing.  Sa larawan sa ibaba makikita kung gaano kagaling maglaro si Rizal sa kanyang pakikipagtunggali kay Juan Luna.







  • Siya rin ay magaling sa Chess. Sa katunayan noong panahon niya siya ay itinuturing na pinakamagaling maglaro ng chess sa bansa.









  • Si Rizal ay isa ring magaling na gun slinger. Kaunti lamang ang nakakaalam nito pero pag ating susuriin mabuti makakahanap tayo ng mga baril na pag aari niya, ang “the smith at “Wesson number 3 revolver” or mas kilala na “magnificient. Ang mga ito ay makikita sa AFP Museum sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Nabanggit din ito ni Rizal sa kanyang nobela na El Filibusterismo sa kabanata na patungkol kay Simoun, doon ipinakita ni Simoun ang baril niya kay Tales.











  •  Si Rizal ay natuto rin magjudo,  isa itong Japanese Sport. Isa si Rizal sa mga unang Asyano na taga timog silangan na nakapagmaster nito. Sa katunayan, nagpatayo pa siya ng mga gym sa Calamba at Dapitan, na naging dahilan ng pag usbong ng laro sa Pilipinas.



  • Pero ang pinakaginagawa niya talaga sa kanyang mga libreng oras ay ang pagsusulat. Ang angkin niyang galing dito ay mapapatunayan ng kanyang mga likha na Noli Me Tangere, El Filibusterismo, To the Young Women Of Malolos, Para Sa Aking Mga Kababata, and Mi Ultimo Adios na ating nililinang ngayon.






SOURCES:
Articles:




5 komento:

  1. Ang kulit lang isipin na kung nabubuhay si Rizal sa panahon natin ay nakiki-selfie rin siya o kaya naman ay pwedeng laging trending ang blogposts niya sa galing niya magsulat. Pero isa sa libangan ni Rizal (at ng kanyang pamilya) na talaga namang gusto ko ay ang kanilang pag-luluto. Foodie kung maituturing ang pamilya nila. Nabasa ko sa isang blog (http://booksbitesbrews.com/2012/12/the-foods-of-jose-rizal/) na sa mga nobela ni Rizal, makikita mo ang hilig niya sa pagkain. May ilang recepies pa nga na nakapaloob dito. Ang tanong ko lang, ang mga putahe kayang kinakain dati ni Rizal ay pareho rin sa mga pagkaing Pilipino na kinakain natin ngayon? :)

    TumugonBurahin
  2. Si Rizal ay tunay na mahusay. Nagawa niya pang mag abala sa ibang bagay at maglaan ng oras sa kabila ng kanyang pag-aaral, pagsasaliksik, pagsama sa mga kaibigan at iba pang mga gawain. Sa mga libre niyang oras, siya ay naglilibang sa pamamagitan ng kanyang mga hobi o paggawa sa mga kinahihiligan niya na gawin. Maliban sa pagbabasa, nakakatuwa malaman na marunong din pala siya sa isports, tulad nalang ng fencing, judo at chess. Pati meron din pala siyang baril. Ang mga simpleng kaalaman na ito ay nagbigay ng ibang pananaw sa aking pagkilala kay Rizal.

    TumugonBurahin
  3. Sa kabila ng kasikatan ni Rizal, siya ay nananatiling simple katulad ng buhay ng karamihan sa atin. Nakakatuwang isipin na napakaraming nagawang bagay ni Rizal at maging ang kanyang libangan ay makabuluhan. :) Siguradong kung buhay nga si Rizal sa panahon natin, trending ang kanyang mga posts. Magkaiba lang ng panahong ginalawan ngunit hindi ibig sabihin na hindi naglibang ang ating bayani.

    TumugonBurahin
  4. Apat lang Po ba ang sports ni Rizal ? Gagawa po kasi kami ng Film about sa Buhay sports nii Rizal .pa help po pleased.. Advance salamat .

    TumugonBurahin
  5. Apat lang Po ba ang sports ni Rizal ? Gagawa po kasi kami ng Film about sa Buhay sports nii Rizal .pa help po pleased.. Advance salamat .

    TumugonBurahin