Martes, Oktubre 15, 2013

Si Rizal at ang kanyang mga libangan


Anong sa tingin mong ginagawa ni Rizal ‘pag bored sya?


            Tulad ng marami sa atin, si Rizal ay karaniwang tao lang rin na may simpleng pamamaraan ng pamumuhay. Ating balikan at alamin kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan sa kanyang pastime. :)



            
                
Una, isang manlalakbay si Rizal, anong nga bang madalas ginagawa ng mga turista sa pagdayo nila sa ibang bansa?  Sight-seeing? Food trip? Partying? O shopping galore? Para sa ating si Pepe, di mabubuo at magiging makabuluhan ang kada byahe kung hindi niya mabibisita ang mga libraries at museums. Kung buhay lang siguro si Rizal ngayon, malamang ang mga tweets niya ay tungkol sa mga nakita niyang items sa museum o di kaya naman ay may mga selfie photos siya sa kanyang instagram ng mga silid-aklatan na kanyang dinarayo.

            
Ang pagkahilig ni Rizal sa libro ang siyang bumubuhay sa kanya sa panahon ng kalungkutan at pagkainip. Isa siya sa mga tambay ng bookstores sa panahon natin. Nag-aabang ng sale upang makatyempo ng magagandang nobela sa mas murang halaga. Favorite siguro ni Rizal ang Powerbooks at Book Sale kada madadaan siya sa mga malls.



            
Kung may iPad na sigurong nahawakan si Rizal, bukod sa paglalaro ng games tulad ng Candy Crush at Subway Surf, tiyak kong madami siyang e-Books sa linya ng medisina, pilosopiya, kasaysayan at marami pang iba. 



Pero ano nga ba talaga ang pinagkaabalahan ng ating magiting na bayani?



 Si Pepe ay nahilig sa iba't ibang isports, kaya naman talagang natuto at humusay siya sa mga ito. 



  • Siya ay mahusay mag fencing.  Sa larawan sa ibaba makikita kung gaano kagaling maglaro si Rizal sa kanyang pakikipagtunggali kay Juan Luna.







  • Siya rin ay magaling sa Chess. Sa katunayan noong panahon niya siya ay itinuturing na pinakamagaling maglaro ng chess sa bansa.









  • Si Rizal ay isa ring magaling na gun slinger. Kaunti lamang ang nakakaalam nito pero pag ating susuriin mabuti makakahanap tayo ng mga baril na pag aari niya, ang “the smith at “Wesson number 3 revolver” or mas kilala na “magnificient. Ang mga ito ay makikita sa AFP Museum sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Nabanggit din ito ni Rizal sa kanyang nobela na El Filibusterismo sa kabanata na patungkol kay Simoun, doon ipinakita ni Simoun ang baril niya kay Tales.











  •  Si Rizal ay natuto rin magjudo,  isa itong Japanese Sport. Isa si Rizal sa mga unang Asyano na taga timog silangan na nakapagmaster nito. Sa katunayan, nagpatayo pa siya ng mga gym sa Calamba at Dapitan, na naging dahilan ng pag usbong ng laro sa Pilipinas.



  • Pero ang pinakaginagawa niya talaga sa kanyang mga libreng oras ay ang pagsusulat. Ang angkin niyang galing dito ay mapapatunayan ng kanyang mga likha na Noli Me Tangere, El Filibusterismo, To the Young Women Of Malolos, Para Sa Aking Mga Kababata, and Mi Ultimo Adios na ating nililinang ngayon.






SOURCES:
Articles: